^

Pang Movies

Lea, may star na sa Walk of Fame!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Lea, may star na sa Walk of Fame!
Lea

Binaha ng congra­tulatory messages si Lea Salonga sa balitang magkakaroon na siya ng Star sa Walk of Fame next month.

Si Lea ay nagwagi ng Tony and Olivier Award, na nakatulong sa pagbukas ng daan para sa mga Pilipino at iba pang Asyanong performer na maabot ang mga manonood sa buong mundo.

Ang kanyang seremonya ay magaganap sa Hollywood Walk of Fame kasabay ng Manila International Film Festival (MIFF), na gaganapin mula Setyembre 3-6 sa Los Angeles.

At ang karamihang comment : “She really deserves it, Congratulations Ms. Lea Salonga,” “Wow... so deserved for Ms. Lea Salonga,” “The next National Artist,” “The First Filipina,” “She has long deserved it. What took them so long to recognize her,” ang ilan sa mga mababasa.

Wala tayong gagawin kundi hintayin ang araw na tatanggapin ni Lea ang Hollywood Walk of Fame.

Siya ang unang Filipina na mapapasama sa listahan ng mga awardee, nakakatuwa!

Jerald, naglabas ng galit sa baha

Naglabas na rin ng saloobin si Jerald Napoles dahil sa naranasang baha sa Metro Manila na apektado tayong lahat. Marami ang nag-agree kay Jerald at ang iba, nagpadala ng photos ng baha sa kanilang lugar o sa mga nadardaanan. “Sa Pilipinas ang ibig sabihin ng “Flood Control” pala, yung buhay natin ang kokontrolin.” Sinundan ng “Tapos pag wala ng ulan, palilipasin natin uli yung galit at hinanakit,” at  “Tapos pag botohan... mananaig pa rin ‘yung “basta gusto ko siya eh.”

Ramdam ang galit ng mamamayan sa reaction sa post na ito ni Jerald. Mga sarcastic comment na marami ang nag-suggest na dapat life vest, o kaya’y bangka ang ipamigay sa mamamayan.

Isa pang suggestion, tigil daw muna sa paglalaro ng pickle ball at dapat ipauso ng gobyerno ang water sports para kapag bumabaha, makakapaglaro pa rin.

LEA SALONGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with