^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga tanong sa OVP budget

Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
EDITORYAL - Mga tanong sa OVP budget

TINAPYASAN ng House of Representatives ang hinihinging budget ni Vice President Sara Duterte para sa 2025. Sa halip na P2.037 bilyon, ginawa na lamang itong P733 milyon. Pinagbotohan ito ng 139 members ng Committee on Appropriations. Pero una nang ipinahayag ni Sara noong Martes na makakatindig naman daw ang Office of the Vice President (OVP) kahit hindi bigyan ng budget.

Dalawang beses nang iniisnab ni Sara ang hearing ng House of Representatives kaugnay sa hinihinging budget ng kanyang sariling tanggapan para sa 2025. Sa pagdinig noong nakaraang linggo, nagkainitan ang Vice President at mga mambabatas na miyembro ng House appropriations committee. Kinukuwestiyon ng mga mambabatas ang malaking budget na hinihingi na hindi sinagot ng Vice President. Sa halip ay umiiwas at sinabing pinupulitika siya.

Sa pagdinig noong Martes, nagkainitan ang mga mambabatas. Kung ang budget daw para sa Office of the President ay “tradition” nang hindi binubusisi ganundin dapat sa Vice President. Pero marami ang nagpahayag na dapat mabusisi ang hinihinging budget ng OVP para sa 2025.

Sabi ng mga mambabatas na kumukuwestiyon sa budget, dapat humarap ang Vice President at hindi dapat nagtatago na parang bata kapag nakukuwestiyon. Sabi pa ng ilang mambabatas, ang hindi pagdalo sa pagdinig ay malinaw na pag-iwas sa accountability. Dapat daw sagutin ng Vice President ang Kongreso at ang taumbayan. Isa pang mambabatas ang nagsabi na isang pag-insulto sa Kongreso ang hindi pagdalo ng Vice President na bumubusisi sa budget ng tanggapan nito.

Isang sulat naman ang ipinadala ni Sara sa Kongreso kaugnay sa hindi niya pagdalo. Nakasaad sa sulat na naka-address kay House Speaker Martin Romualdez na ang lahat ng tungkol sa kanilang badyet proposal para sa susunod na taon ay naipaliwanag na niya sa isinumite niyang dokumento sa Kongreso. Kasunod ay naglabas ng press release ang kanyang tanggapan na nagsasabing dalawang tao lamang ang humahawak o nagkokontrol ng budget—isa ay si Speaker Romualdez at ikalawa si Ako Bicol partlist Rep. Zaldy Co.

Sinabi naman ni Sara noong Martes na may kaugna­yan sa budget sa Department of Education (DepEd) ang dahilan ng kanyang pagre-resign sa nasabing tanggapan noong Marso. Bakit ngayon lang niya ito, isiniwalat.

Pinakamagandang magagawa ni Sara ay dumalo sa pagdinig ng Kamara sa hinihinging budget ng OVP. Kailangang niyang sagutin ang mga tanong ng mambabatas na may kaugnayan sa budget. Pera ng taumbayan ang pinag-uusapan dito. Hindi masisisi ang mga mambabatas na magtanong sapagkat noong 2022, nagkaroon ng kontrobersiya ang P125 milyon na confidential fund ng OVP na ginastos lamang sa loob ng 11 araw. Dapat mabusisi ang pondo.

BUDGET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with