^

PSN Opinyon

Hindi lang bahura kundi teritoryo ng Pilipinas ang Scarborough

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

JUNE 17, makalipas ang tatlong linggo, inalis ng China ang platapormang bakal na pinalutang nito sa timog-silangang bukana ng Scarborough shoal. Tinatantyang 40 metro kuwadrado ang plataporma. Una itong natanaw ng satellite imaging nu’ng May 25. Bago ‘yon, May 21, namataan ang dalawang Chinese research vessels sa pook na ‘yon.

 

Kasabay ng plataporma, nag-iwan din ang China ng mga lumulutang na antenna. Hininalang communications equipment ang mga ito, o kaya pang-saliksik ng babaw ng tubig at mga isda at pawikan sa Scarborough.

Matindi ang protesta ng Pilipinas sa ginawa ng China. Hindi lang kasi basta bahura ang Scarborough sa loob ng 200 nautical mile exclusive economic zone ng bansa. Ang Scarborough ay teritoryo ng Pilipinas.

Saad kasi sa UN Convention on the Law of the Sea ang mga bato at bahura sa loob ng EEZ ng anomang bansa. Kapag merong batong permanenteng nakalitaw sa tubig maski high tide, maari itong magkaroon ng 12 nautical mile territorial sea. Ganon ang Scarborough. Sa makatuwid, teritoryo ito ng Pilipinas.

Kapag namasok ang China sa Scarborough na teri­toryo ng Pilipinas, para na rin itong umokupa ng Corregidor o Boracay o Balesin. Kapag hindi umalis ang China, para na rin itong naghahamon ng giyera.

Hindi lang nitong May-June 2026 nagtangka ang China magtayo ng plataporma sa Scarborough. Binalak na ito nu’ng 2013. Naglabas ang China ng blueprint ng binabalak na naval base sa silangang bahagi at tourist resort sa kanlurang bahagi. Umalma ang gobyerno at media ng Pilipinas. Umatras ang China.

Nu’ng US naval base pa ang Subic Bay, ginagamit ang Scarborough ng US at Philippine Navies na praktisan sa pagkanyon. Praktisan din ng mga eroplano sa pagbomba. Pinapatrolya ito noon pang panahon ni Commonwealth President Manuel Quezon.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with