^

Probinsiya

Ex-Gov kay Pangulong Marcos: ‘Wag magpalinlang sa paninira laban sa mga taong nagtataguyod ng BARMM’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ni dating Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang Malacañang na manatiling matatag sa gitna ng paggambala sa kapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Minda­nao (BARMM) ng kanya umanong mga kaanak na naghangad ng electoral dominance sa rehiyon sa darating na 2025 local elections.

Ang paggambala sa kapayapaan, ayon sa unity advocate at ex-governor ng Maguindanao, ay sa dahilan ding hindi napagbigyan ang kanyang mga pinsan sa appointment bilang chief minister ng BARMM.

Sa isang video message, kinilala ni Toto Mangudadatu ang kanyang mga kaanak na tinatarget umano ang top post ng BARMM na si ex-Tesda chief Suharto ‘Teng’ Mangudadatu o Maguindanao del Sur Gov. Mariam Mangudadatu.

“Nasa tamang direksiyon ang Pangulo. ‘Wag siyang magpalinlang. ‘Wag siyang makinig diyan sa statement ni Mariam. Statement ni Teng. Statement ng anak. Tuloy-tuloy lang, kasi ‘yan ang tama. Maraming masaya dito sa amin. Maraming proyekto ang BARMM. Ngayon ka lang makakakita na halos hindi nauubos ang pondo. Doon mo makikita na ang nailagay diyan ay naniniwala sila, takot sila sa gob­yerno natin at nirerespeto nila si Presidente Marcos na ipatupad lahat ang mga programa at proyekto,” pagbibigay-diin ni Toto Mangudadatu.

Ang video message ni Toto Mangudadatu, na ang kopya ay ipinadala sa media outlets, ay bilang reaksiyon sa serye ng social media posts laban sa umano’y mga anomalya sa BARMM, kabilang ang umano’y “coercion at harassment“ laban sa mga alkalde ng party officials ng PFP na nais umanong magdikta kung sino ang mamumuno sa BARMM.

Sa kanyang mensahe para kay Pres. Marcos, sinabi ni Toto Mangudadatu na, -- “Wag po kayong magpatinag sa mga mensahe, mga banat ng aking pinsan, si Teng si Mariam. Maaaring sama ng loob lang ‘yun dahil hindi sila napagbigyan, at hindi naman talaga puwedeng pagbigyan na maging chief minister sila kasi ito ay resulta ng peace agreement para sa kapayapaan.”

Sa pagtukoy ng iba’t ibang social services na naisakatuparan na sa autonomous region, sinabi niya na, “kung may mga disaster kaagad nandiyan ang BARMM. Kung kailangan ninyo ang supply, nandiyan ang BARMM. Kung kailangan ninyo ang edukasyon, nandiyan ang BARMM. Kung kailangan ang pagpagamot nandiyan ang BARMM.” Nagbabala rin siya sa kanyang video message laban sa masamang epekto kapag ibinoto si Teng Mangudadatu bilang BARMM head.

Sa mga alegasyon ng korapsyon sa BARMM, isang joint statement ang unang inilabas nina PFP national president at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo at Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo na tahasang nagpapabulaan sa mga akusasyon na ang pondo na para sa autonomous region ay “misappropriated”, at ang mga local politician ay pinipilit na umanib sa administrasyon.

vuukle comment

BARMM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with