^

Pang Movies

Liza, may ilalabas na killshot!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Liza, may ilalabas na killshot!
Liza

Patuloy na pinalalawak ni Liza Soberano ang kanyang presensya sa international entertainment scene, ngayon naman ay sa pamamagitan ng pagsisimula ng international music career.

Nag-upload si Liza ng Reel sa kanyang Instagram (IG) account na nagpakita ng bahagi ng kanyang bagong single na Killshot. Sa caption, sinabi niya na malapit na itong ilabas at ang mga nag-pre-save ang unang makakarinig nito.

Kamakailan lang ay nagbukas siya ng sariling Weverse community. Nasa Weverse rin ang kapwa Filipino artists na SB19 at BINI.

Nag-post si Liza tungkol sa kanyang pagdagdag sa Weverse sa kanyang IG Story, na may caption na “Guess who’s on @weverseofficial” kasama ang emoji ng smiling face na may stars sa mata.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na naging parte siya ng isang kanta para sa international release. Nakipag-collaborate rin siya sa Thai artist na si Bright Vachirawit noong 2024 bilang love interest nito sa music video para sa kantang Long Showers.

Ang mga galaw ni Liza sa international music scene ay kasunod ng kanyang star turn sa Forgotten Island, isang DreamWorks Animation film kung saan kasama niya sina H.E.R., Lea Salonga at Dolly de Leon.

Na-feature rin ang apat sa isang special edition ng Vogue Philippines. Ang shared magazine cover na ito ay isa lamang sa publicity events para sa Forgotten Island. Nagkaroon ng special screening sa bansa at iba pang activities kasama si Liza at ang cast and crew ng pelikula.

Bukod sa Forgotten Island, naging parte rin si Liza ng Lisa Frankenstein kung saan gumanap siya bilang si Taffy, ang stepsister ng main character na si Lisa.

LIZA SOBERANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with