^

Punto Mo

Sino ang maunang maaresto, si Bato o si Bantag?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

SINO ang maunang maaresto: si Sen. Bato dela Rosa o si ex-BJMP director Gerald Bantag?

Kapwa naman sila may arrest warrant.

Si Bato ang arrest warrant ay inisyu ng International Criminal Court dahil sa pagkaugnay sa kanya sa Crimes Against Humanity na ikinaso rin kay Tatay Digong, samantalang si Bantag ay prime suspect sa pagpaslang sa mediaman na si Percy Lapid Dipugaaaaa!

Mga kosa, anong sey n’yo sa tanong na ito?

Si Bato ay nanatiling nagtatago matapos ang one-week deadline na ibinigay sa kanya ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. para sumuko.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla alam n’ya kung saan nagtatago si Bato, subalit wala pang linaw kung saan talaga ito at maging ang konkretong aksiyon para s’ya ay maaresto.

 Saan ba talaga nagtatago si Bato, Boss Jonvic Sir?

Si Bantag naman ay kamuntik nang maaresto sa Bgy. Pugol, Lamut, Ifugao noong All Saints Day. Purbidang yawaahhhhh!

Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

 Pero mga kosa, sobrang sikat nitong si Bato at kung anu-anong Marites ang kumakalat tungkol sa kaso n’ya at maging kung sino ang coddler n’ya. Mismooooo!

 Pero nilinaw ni PNP spokesman Col. Allen Rae Co na walang “shoot-to-kill”order na ipina?abas laban kay Bato, dahil labag sa batas ito.

Ang totoo lang, ani Co, gumagalaw na ang tracker teams na binuo ni Lt. Gen. Wilson Lopez, ang PNP Deputy for Administration, para hanapin at hulihin si Bato, at maging ang abogado n’ya ay walang alam sa kinaroroonan n’ya. Sanamagan!

Si Bato ay may nakapatong na P50 milyon reward sa kanyang ulo, ewan ko si Bantag kung meron?

Dahil sa malaking pabuya sa pagkaaresto kay Bato, t’yak nakasentro sa kanya ang kaisipan ng mga bounty hunters at hindi kay Bantag? Anong sey n’yo mga kosa?

Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Mga kosa, itong sina Bato at Bantag ay masabi kong beterano na sa larong taguan kaya’t t’yak may kumakalong talaga sa kanila.

Tanungin n’yo kaya mga kosa si Sen. Ping Lacson dahil magaling din s’ya magtago! Abangan!

BATO DELA ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with