^

Probinsiya

Inuman sa garahe niratrat ng naka-bonnet: 1 patay

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines -  Pinagbaba­ril ng isang lalaking naka-bonnet ang isang inuman ng magkakapitbahay na ikinamatay ng isa sa kanila, kamakalawa sa Brgy. Litlit Silang Cavite.

Patay ang biktima na si alyas “Jay”, residente sa lugar, na tila siya ang target ng suspek.

Batay sa imbestigasyon ng Silang Police, naganap ang pamamaril alas-8:30 ng gabi sa isang garahe kung saan nag-iinuman ang magkakapitbahay kasama ang biktima.

Sa pahayag ni alyas Jayson, bayaw ng biktima at kasama rin sa inuman na habang sila ay nagkakasiyahan nang biglang dumating ang suspek na naka-bonnet at walang sabi-sabing namaril ito at tinarget ang biktima.

Nagtamo ng hindi bababa sa limang tama ng bala ng baril ang tinamo ng biktima na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang behikulo.

SILANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with