^

Pang Movies

Keanna, enjoy sa relasyon sa 27 years old!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Keanna, enjoy sa relasyon sa 27 years old!
Keanna Reeves at Briant
STAR/ FIle

Kinuwento ni Keanna Reeves ang kasiyahan sa relasyon nila ng 27-year-old na si Briant Scott Lomboy.

Ayon kay Keanna, matagal na niyang tipo ang mas bata sa kanya. “Hindi kasi bago sa akin ‘to eh... ‘Yun talaga ‘yung type ko, ‘yung mas bata sa akin. Ayoko ‘yung classmate ko, ayoko lalo na ‘yung ahead sa akin.”

Nagkakilala ng 56-year-old former sexy comedian si Briant sa kaarawan ng yumaong manager nito na si Jobert Sucaldito. Pagkalipas ng ilang taon, muli silang nagkita. “‘Yun na ‘yung hindi ko naman siya namukhaan... Sabi ni Nanay (Jobert), ‘Si ano ‘yan, si Briant. Si Scott!’... Sabi, ‘Ay, oo. Ay, ay. ‘Nay, puwede na, puwede na!’” tawa pa niya.

Hindi nagtagal ay niligawan na siya ni Briant. “Nu’ng time na ‘yun, pauwi na kami. Sabi ko kay Nanay, ‘Nay, baka puwede sa harap si Keanna?’... Kinutuban ko lang kung paano ‘yung diskarte ko,” kuwento ni Briant.

Aminado si Briant na nahihiya siya noong una dahil bata siya, pero sa tuluy-tuloy na pagme-message at paglabas, nauwi rin ito sa pag-iibigan.

Chariz, hirap magpigil sa pagtawa

Handa sa hamon ang Bubble Gang mainstay at Your Honor host na si Chariz Solomon habang makikipagtagisan siya sa pinakamagagaling na ko­medyante sa bansa sa pagbabalik ng LOL: Last One Laughing Philippines.

Ipalalabas ang kakaibang kumpetisyon sa Prime Video kung saan susu­bukin ang mga kalahok na pigilan ang pagtawa habang pinapatawa ang isa’t isa.

Magbabalik bilang host si Vice Ganda para sa season 2 ng LOL.

Inamin ni Chariz na talagang sinubok ng show ang kanyang pagiging komedyante.

“Masaya itong experience na ito, pero, sobrang hirap! Hindi ko akalain na ganito siya kahirap.”

Kasama rin sa LOL season two ang pinagsamang beterano at baguhang komedyante tulad nina Long Mejia, Epy Quizon, Candy Pangilinan, Ethel Booba, Pooh, Donna Cariaga, Esnyr, James Caraan at Charuth.

Sa unang season noong 2024, itinanghal na grand winner ang stand-up comedian na si Chad Kinis.

Kim Kardashian, may esophagitis din

Naging open si Kim Kardashian tungkol sa kanyang kalusugan.

Nauna na niyang ibinunyag na mayroon siyang esophagitis, ang kondisyong nagkaroon din ang kanyang amang si Robert Kardashian bago ito magka-esophageal cancer. Pumanaw si Robert noong 2003 sa edad na 59.

Sa latest episode ng The Kardashians, sinabi ni Kim: “So, I’ve seen a couple of doctors, and it’s been heavy on my mind lately. I haven’t really told too many people about this... With my dad having passed away from esophagus cancer, hopefully I can just take medication and this will go away.”

Sa preview ng susunod na episode, nasa ospital si Kim para sa kanyang operasyon.

“The doctor says my esophagus has these irregularities, and I have to have them cut out. It’s the same thing my dad had,” sey ng  46-year-old reality TV star.

Ayon sa Mayo Clinic, ang esophagitis ay pamamaga at iritasyon ng tissues na bumabalot sa esophagus. Maaari rin itong mauwi sa Barrett esophagus, na nagpapataas ng panganib ng esophageal cancer.

KEANNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with