^

Police Metro

Mayor Baste walang alam sa mga negosyo ni VP Sara

Joy Cantos, Gemma Garcia - Pang-masa
Mayor Baste walang alam sa mga negosyo ni VP Sara
Nagbigay kahapon ng kanyang testimonya si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang hostile witness sa ika-31 araw ng impeachment trial ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Walang alam si Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte at maling ang ibang opisyal ng lokal na pamahalaan hinggil sa kaugnayan ni Vice President Sara Duterte sa Gencorp Industries Incorporated.

Sa pagharap ni Mayor Duterte bilang hostile witness sa impeachment complaint ng kapatid, sinabi nito na napigilan sana at hindi niya pinayagan ang pamahalaang lungsod na magbigay ng mga kontrata sa nasabing kumpanya kung alam niya ito.

Inamin ni Baste na umabot sa 33.2 million pesos ang transaksyon ng lokal na pamahalaan ng Davao sa Gencorp kaugnay sa 19 na kontrata.

Ibinahagi rin ng alkalde na hindi rin lumalabas ang pangalang Sara Zimmerman Duterte o kahit ang kanyang apelyido sa anumang official documents na isinumite ng Gencorp Industries Inc. sa mga kontrata.

Binigyang-diin ni Baste na sumasailalim sa evaluation ang Gencorp tuwing magkakaroon ito ng transaksyon sa lokal na pamahalaan.

Nanindigan si Baste na lahat ng transaksyon nila sa korporasyon ay dumaan sa tamang proseso.

BASTE DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with