^

Police Metro

14-anyos, patay nang barilin sa ulo ng siga

Mer Layson - Pang-masa

Gamit ang pen gun...

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 14-anyos na binatil­yo matapos na siya ay malapitang barilin sa ulo gamit ang pen gun habang nakatayo sa center island sa Brgy. 429, Lacson ­Avenue, Sampaloc, Maynila nitong Miyerkules ng gabi.

Batay sa inisyal na ulat, naganap ang pamamaril sa center island bahagi ng Lacson Avenue, alas-8:30 ng gabi.

Batay sa kuha ng CCTV camera, makikita na nakatayo ang biktima sa center island kasama ang ilang kapwa menor-de-edad na kaibigan.

Ilang saglit pa, lumapit na ang gunman sa kanila saka pinaputukan nang malapitan ang biktima sa ulo.

Nang bumulagta ang biktima ay makikita na tumakbong palayo ang gunman, habang isinakay sa tricycle ang biktima upang dalhin sa ospital.

Makaraan ang ilang oras, namatay ang biktima dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo.

Ayon sa opisyal ng Barangay 429, na residente ng Barangay 432 ang gunman, na nasa edad 30 hanggang 40.

Lumalabas sa imbestigasyon na dati na umanong may away ang pamilya ng suspek at biktima.

Nabatid na nakulong ang suspek sa kasong grave threat na isinampa ng pamilya ng biktima.

Mariin naman itong itinanggi ng 33-anyos na ama ng biktima, na sinabing kilalang siga sa lugar ang gunman at posibleng napagtripan lang umano ang kaniyang anak.

“Trip lang po. Tinanong niya raw po ‘yung mga bata, ‘Mga taga-saan kayo?’ Magsasalita pa lang po ‘yung anak ko, binaril niya na agad eh. Sukuan niya na lang po. Sukuan mo na lang, huwag mo na kami pahirapan para matahimik lang din kami pare-pareho pati ‘yung anak ko,” mensahe ng ama ng biktima sa gunman.

Labis ang pagdadalamhati ng pamilya, lalo’t hindi man lang nasilayan ang binatilyo ng ina nito na nakaratay sa ospital dahil sa leptospirosis.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with