^

True Confessions

Apoy sa Balsa (79)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Umaga. Huling araw ng shooting sa San Vicencio. Bagaman malamig ang simoy ng hangin, seryoso ang aura ni Kael nang lumabas ito mula sa kanyang silid. Wala na ang kaba o pag-aalinlangan sa mga mata.

Sa harap ng camera, ibinigay ni Kael ang pinakamahusay niyang pag-project. Sumusunod siya sa bawat utos ng photographer nang may matinding propesyona­lismo, ngunit wala ni isang maling sulyap o kumpas na puwedeng gamiting ebi­densiya laban sa kanya.

Sa tabi ng monitor, nakatayo si Rhea, buong-buo ang awtoridad bilang Crea­tive Director.

Habang abala si Darcy sa pagkuha ng mga pata­gong litrato gamit ang kan­­yang telepono mula sa vanity­ tent, isang matangkad na anino ang humarang sa kanya, ang Product Manager na si Marco. Naka-polo shirt at sunglasses ito at may hawak na dokumento.

“Darcy, right?” pormal na bati ni Marco. “Puwedeng­ sumama ka muna sa akin sa client tent. May kailangan lang tayong linawin tungkol sa Non-Disclosure Agreement at Security Protocol ng brand.”

Namutla si Darcy. “P-po? Makeup artist lang po ako ni Winona—”

“Which is why you shouldn’t be taking unauthorized photos or video recordings of confidential production setups­,” sabi ni Marco, ang boses ay may ma­tinding legal na banta. “Under Clause 12 of our campaign contract, taking unapproved media on set carries a multi-million peso penalty and immediate blacklisting from all future brand pro­jects. Hand over the phone to our security compliance team for inspection.”

Walang nagawa si Darcy. Nanginginig ang mga kamay habang inaabot ang kanyang cell phone. Sa isang mabilis na utos ng kliyente, tulu­yang nabura ang kanyang huling baraha.

“WRAP!” sigaw ng photographer sa buong dalampasigan.

Nagpalpakan ang buong crew. Sa gitna ng saya at ingay ng tagumpay, nagkatitigan sina Rhea at Kael mula sa malayo. Walang sali­tang binitawan, ngunit sa mabilis na pagtango­, ipinara­ting ni Kael ang tagumpay. Ligtas ang kanilang lihim. Natapos­ ang bagyo sa San Vicencio. (Itutuloy)

APOY SA BALSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with