^

True Confessions

Apoy sa Balsa (70)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS mabisto ang kanyang mga plano, nagpaliwanag ang talent manager na si Mr. Frank.

“W-Wait, Marco, harmless promotional buzz lang naman ‘yon para—”

“If that dinner date happens this weekend,” putol ni Marco, “We will pull out the entire holiday campaign budget, slap a multi-million penalty clause on your management agency, and replace Kael as our endorser.”

Tahimik ang buong silid. Napatingin si Miss Agatha kay Manager Frank nang may matinding galit. “Frank! Are you out of your mind?! Walang ganyang napagkasunduan!”

“I-I’m sorry, Miss Agatha, Marco... Canceled na. Canceled na ‘yung meeting nga­yong weekend. Gagawin natin lahat according to contract,” mabilis, kabadong pautal-utal na bawi ni Manager Frank habang pinapahid ang pawis sa kanyang noo.

Kinuha ni Marco ang kanyang leather folder. Bago siya lumabas ng pinto, lumakad siya nang bahagya malapit sa kinaroroonan ni Rhea.

Sa isang mabilis na segundo, nagkatitigan sila. Walang sinabi si Marco sa harap ng iba, ngunit sa kanyang mga mata, naroon ang malinaw na mensahe.

Protektado kita.

Habang mabilis na lumalabas si Manager Frank para tawagan at kenselahin ang plano kay Manay Helen, napa­sandal si Rhea sa pader. Dahan-dahan siyang nakahinga nang maluwag—habang ang puso niya ay puno nang matinding pasasalamat sa isang lihim na kaalyadong ginamit ang kanyang buong kapangyarihan para iligtas sila sa kapahamakan.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with