^

True Confessions

Apoy sa Balsa (68)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKATAYO lang si Rhea sa malamig na hallway, tulala habang patuloy na bumabaon sa kanyang isip ang bawat salitang lumalabas sa silid.

Staged date sa BGC. Stolen shot. Gawa-gawang relasyon.

Pakiramdam ni Rhea, unt-unting pinipiga ang kanyang puso. Sa kabila ng kaniyang katatagan, sa kabila ng kani­yang mataas na posisyon at talino bilang Creative Director, sa sandaling iyon ay na­ramdaman niya ang matin­ding kawalan ng kapangya­rihan. Dahan-dahang pumatak ang luha sa kanyang pisngi.

Ngunit mabilis ang kanyang mga galaw.

Agad niyang ipinahid ang luha gamit ang likod ng kanyang kamay. Inayos niya ang posture.

Aalis na sana siya para hindi malaman ng mga talent manager na nakikinig siya sa kanilang usapan nang big­lang matigilan ang kanyang mga paa.

Sa gilid ng pader, dalawang hakbang lang ang layo mula sa kanya, nakatayo si Marco.

Nagkatitigan sila. Tila narinig din nito ang lahat ng mga pinaplano ng managers.

Tinitigan ni Marco ang namumulang mga mata ng dalaga, tila gustong magsalita, gustong magtanong, o mag-alok ng tulong.

Ngunit walang sinabi si Marco. Maging siya ay alam ang bigat ng sandali.

Hindi na naghintay si Rhea ng kahit anong salita. Mabilis siyang tumalikod, halos patakbo siyang naglakad papunta sa elevator para makauwi.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with