^

PSN Showbiz

Chinkee, yumaman sa toilet paper

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Chinkee, yumaman sa toilet paper
Chinkee Tan
STAR/ File

Malayo na talaga ang narating ng 1980s actor-comedian at entrepreneur-turned successful businessman, motivational speaker, financial consultant at business coach na si Chinkee Tan na kapanabayan noon sa industriya nina Randy Santiago, Willie Revillame at iba pa.

Aminado ang Fil-Chinese na si Chinkee na 12 years old pa lamang umano siya noon nang magsimula siyang magbenta ng mga toilet paper sa kanyang mga kaibigan at kakilala.

Nang pumasok siya ng showbiz ay may sari-sari rin siyang paninda sa trunk ng kanyang sasakyan na ibinebenta niya sa mga kasamahan niya sa trabaho. Since mura lang naman ang toilet paper at necessity, madali niya itong maibenta kaya ang maliit na puhunan ay kanyang napalago.

Si Chinkee ay kasama noon sa mga ‘hawi boys’ ng sikat na sikat noong si Randy Santiago na kanilang barkada. Sa tuwing may show or concert si Randy either promo or paid concerts ay kasa-kasama ang kanyang mga barkada na sa kalaunan ay naging hawi boys niya dahil sila mismo ang personal na nagpu-protect kay Randy bilang  security ng venue.

Ang Hawi Boys ay literal na taga-hawi ng mga tao kaya tinawag sila as such. Bukod kay Chinkee ay kasama rin ang actor-comedian na si Dennis Padilla, Willie Revillame at ang flutist-turned actor na si Jong Cuenco, anak ng National Artist for Music na si Ernani Cuenco.

Samantala, nung aktibo pa si Chinkee sa kanyang showbiz career ay nakagawa umano siya ng mahigit 30 movies. Although ibang career na ang kanyang tinahak, bukas pa rin naman daw siyang mag-showbiz kung may offer. Kamakailan nga lamang ay nag-guest siya sa programang Pepito Manaloto ni Michael V. o Bitoy.

Bukod sa pagiging isang successful businessman, super in demand si Chinkee bilang motivational speaker, financial consultant at business coach. Ito’y labas pa sa kanyang pagiging book author ng 18 libro na may kinalaman sa financial literacy. Meron din siyang regular radio and TV program at isa rin siyang podcast host.

Proud si Chinkee na naibabahagi niya sa maraming tao ang kanyang mga kaalaman sa pananalapi sa pamamagitan ng kanyang personal experience.

Vice, walang pahinga!

Alam mo, Salve A., ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda na tiyak ang maituturing na highest paid among all the TV personalites.

Sa pagbabalik at pagsisimula ng kanyang late night talk show, ang Gandang Gabi Vice o GGV, on Sept. 13, 2026 at 10 p.m. on GMA ay mapapanood na siya practically everyday mula Lunes hanggang Linggo dahil nariyan pa ang kanyang daily noontime show na It’s Showtime na magsi-17 years na on Oct. 24, 2026 at tuwing linggo naman starting Sept. 13 sa pagbabalik ng kanyang talk show na GGV.

Magkakaroon din siya ng programa sa TV5 matapos siyang lumagda ng kontrata with MediaQuest ni G. Manny V. Pangilinan.

CHINKEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with