^

Punto Mo

Pinay DH, pinaghimalaan ni St. Charbel (PART 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Ako ay kasalukuyang domestic helper dito sa Lebanon. Naglilingkod ako sa isang Lebanese Christian family sa Beirut. Dalawang taon na akong naglilingkod sa pamilya. Mababait sila at hindi katulong ang turing sa akin. Para na rin akong miyembro ng pamilya.

Mahirap lamang ang aming pamilya kaya nagpasya akong maging DH. At sa Lebanon nga ako pinalad na makatagpo ng trabaho. Habang nag-aaplay ako noon sa agency ay walang tigil ang pagdarasal ko n asana, mabuting pamilya ang mapaglingkuran ko. Marami na kasi akong nabalitaan na malulupit ang mga amo sa kanilang katulong. Bukod sa hindi pinasusuweldo, ay sinasaktan pa at hindi pinakakain.

Ganun na lamang ang katuwaan ko sapagkat mga Kristiyano ang aking naging amo. Nagpasalamat ako sa Diyos sapagkat dininig Niya ang dasal ko.

Regular akong nagpapadala ng pera sa aking mga magulang. Kahit hindi malaki ang naipadadala kong pera, natutustusan din ang pangangailangan ng aking mga magulang.

Mabilis na lumipas ang dalawang taon, biglang nagkasakit nang malubha ang aking ina. Kailangan daw akong umuwi. Baka hindi ko nan raw maabutang buhay!

(Itutuloy)

LEBANON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with