^

PSN Showbiz

Vice at Kim, may ‘animosity!’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice at Kim, may ‘animosity!’
Kim Chiu

“Habangbuhay,” pa­ngako ni Vice Ganda sa kanyang post pagkatapos pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN noong Biyernes kaya’t asahang mananatiling isa siyang Kapamilya.

Hindi nila iningayan ang lahat katulad sa mga ibang nagre-renew ng kontrata.

Dumalo roon si ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President at CEO Carlo Katigbak, Chief Operating Officer Cory Vidanes, at Chief Financial Officer Ricardo B. Tan Jr. Dumaan din si ABS-CBN Foundation Chair Eugenio Lopez III upang batiin si Vice at ipakita ang suporta para sa Kapamilya artist.

Bumalik na sa It’s Showtime si Vice na less than a week ding namahinga matapos magkaroon ng intriga at ipatawag ang programa ng Movie and Television Review and Classification Board.

At nilinaw niya na bakasyon ‘yung biyahe niya sa Vietnam at hindi suspensyon katulad nung ibang kumalat na isyu.

Na accidentally ay nabanggit pa ni Anne Curtis ang ASAP na katapat ng Sunday noontime show ng GMA na All-Out Sundays.

Yup, present nga rin kahapon si Anne, pero wala si Kim Chiu na ginagawan naman ng issue ng ibang fans.

Na ayon sa isang source, may ‘animosity’ kahit noon pa raw sina Vice and Kim.

Hindi raw talaga nagkaroon ng closeness sina Vice at Kim kahit matagal na silang magkasama sa It’s Showtime ayon sa isang source.

May ilang detalye pa ang kuwentong ito, pero medyo shocking ang iba pang rebelasyon tungkol sa kanilang hindi pagiging close na saka na natin kalkalin.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with