Apoy sa Balsa (52)

“Kael…” mahinang simula ni Rhea. “Hindi ka ba naiinip?”

“Saan ako maiinip?”

“Naiinip sa ganito. Hindi man lang tayo makalabas na magkahawak ang kamay.”

Inabot ni Kael ang mga daliri ni Rhea at pinisil iyon. Tumingin siya sa dalaga nang may matinding katapatan.

“Rhea, nung nasa kanto pa ako at nagluluto ng burger sa gitna ng usok, pangarap ko lang na makakain nang tatlong beses sa isang araw ang nanay at kapatid ko,” marahang paliwanag ni Kael. “Ngayon, nakakakain na sila nang ma­ayos. At tuwing gabi… narito ka. Nakaupo sa tabi ko. Hindi ako nababagot, Rhea. Dahil kahit ano pang ingay ang mayroon sa labas, alam kong may lugar ako kung saan ako totoong ligtas.”

Huminga nang malalim si Rhea at mas isi­niksik ang sarili sa yakap ng binata.

Naramdaman nila ang isang uri ng kapaya­paan na tila hindi na kayang tibagin ng kahit na ano. Naniniwala sila na hangga’t mananatili silang ma­ingat sa pagitan ng dalawang pintong ito, walang sinu­mang makasisira sa mundong binuo nila.

Ngunit sa gitna ng kanilang labis na katuwaan at ginhawa, hindi nila namamalayan na ang kapayapaang pinalilibutan ng mga lihim ay madalas na pananda­lian lamang, at ang pader na nagtatago sa kanila ay mag-uumpisa nang magkaroon ng lamat.

(Itutuloy)

Show comments