Gabi na nang matapos ang lahat ng engagements ni Kael. Dahil sa dagsa ng mga fans at studio staff, hindi man lang siya nakadaan sa ahensiya.
Pagpasok ni Rhea sa kaniyang condo habang pagod na pagod mula sa overtime, tahimik at madilim ang kanyang tahanan. Umupo siya sa sofa, inalis ang kanyang high heels, at tinitigan ang kaniyang telepono.
Biglang umilaw ang screen. Isang notification mula sa kaniyang private chat.
Kael: “Pauwi pa lang ako galing sa huling interview. Sorry kung hindi ako nakatawag buong araw. Napanood mo ba ‘yung interview?”
Mabilis na nag-type si Rhea.
Rhea: “Oo, napanood ko. At ang galing mong sumagot sa TV. At ‘Single’ ka na pala ngayon ha?”
Biro niya. Nagtatawang mag-isa si Rhea habang nagta-type. Ilang segundo ang lumipas bago nag-reply si Kael. Pagkatapos ay nagbago ang notification dahil hindi na text ang sagot nito kundi isang voice note.
Pinindot iyon ni Rhea at itinapat ang telepono sa kanyang taynga.
Boses ni Kael ang bumungad, pagod, paos, ngunit puno nang matinding pagmamahal.
“Pasensiya na, Rhea… Kailangan kong sabihin ‘yon sa harap ng camera. Pero alam mo naman ang totoo, ‘di ba? Kahit gaano kalaki ‘yung billboard ko sa labas, at kahit gaano karaming tao ang magpa-picture sa akin… sa ‘yo lang ako. Ikaw lang ang totoong may hawak sa akin. Good night, Rhea. Ingat ka dyan.”
Napapikit si Rhea habang muling pinatutugtog ang voice note. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mukha sa gitna ng tahimik na silid.
Ang mundong gumagalaw sa paligid nila ay nagbago na nang tuluyan, ngunit sa ilalim ng lahat ng ilaw at ingay, nananatiling matibay ang kanilang lihim na kasunduan.
(Itutuloy)