^

True Confessions

Apoy sa Balsa (39) 

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SA loob ng opisina, tila nagpalit ng puwesto ang mga bituin. Si Kael, na madalas ay nakatayo lang sa pinto at naghihintay ng pirma ay pinaupo sa mamahaling leather chair sa tapat ng mesa ni Ms. Agatha.

“Look, Kael,” mabilis na panimula ni Ms. Agatha. “Nakaabang ang buong bansa sa ’yo ngayon. Trending ka. At sakto, naghahanda kami para sa pitching ng pinakamalaking food brand sa bansa. Gusto kong ikaw ang maging mukha ng campaign na ’to. Hindi lang basta messenger —ikaw ang lalabas sa mga digital ads.”

Nalaglag ang panga ni Kael. “Po? Ms. Agatha… messenger po ako. At saka magluluto lang po ako ng burger para makadagdag sa sahod—”

“I don’t care! We will pay you triple your monthly salary for this campaign alone,” putol ni Ms. Agatha bago binalingan si Rhea. “Rhea, baguhin mo ang concept presentation. Ilagay mo si Kael bilang center. This is content gold!”

Nang makalabas sila sa opisina ni Ms. Agatha matapos ang mabilisang meeting, mabilis na hinila ni Rhea si Kael patungo sa fire exit staircase sa dulo ng hallway.

Nang mag-isa na lang sila sa madilim at tahimik na hagdanan, naghari ang kakaibang tensyon. Sa unang pagkakataon, hindi na ang mataas na posisyon ni Rhea ang nagbibigay sa kanya ng kaba, kundi ang katotohanang ang lalaking itinatago niya sa dilim ay nasa mata na ngayon ng buong mundo.

“Rhea…” bulong ni Kael, hawak ang sariling batok sa matin­ding pagkalito. “Anong nangya­yari? Paano tayo? Sa tingin mo ba ay dapat bumalik muna ako sa probinsiya, magpahinga muna?”

Tinitigan siya ni Rhea. Tumi­ngala ito at hinaplos ang mukha niya.

“Kael…” mahinang sagot ni Rhea, may panginginig sa kanyang boses. “Hindi na natin hawak ang sitwasyon. Ang isipin mo nga­yon ay kung paano mo mapakiki­nabangan ang mga nangyayari sa’yo ngayon. Pagkakataon mo na ito na umangat sa buhay”

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with