^

True Confessions

Apoy sa Balsa (34)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BANDANG alas-sais ng gabi, unt-unti nang nanamlay ang ingay sa floor nina Rhea. Karamihan sa mga empleyado ay nag-aayos na ng gamit para umuwi, habang ang iba naman ay nagbabalak mag-overtime.

Naka-minimize ang email sa laptop ni Rhea habang mabilis niyang binubuksan ang kanyang personal na chat app.

Rhea: “Pababa na ako. Saan tayo?” Kael: “Huwag sa lobby. Sa may convenience store sa likod ng katabing buil­ding na lang ako mag-aabang. Medyo madilim doon.” Rhea: “Sige, maglalakad ako papunta roon. See you.”

May kasamang kakaibang excitement ang bawat pag-type sa keyboard. Para silang mga undercover na may lihim na misyon sa loob ng sarili nilang kumpanya. Inayos ni Rhea ang kanyang designer bag, isinuot ang blazer, at tumayo para lumabas. Ngunit paghakbang pa lang niya sa tapat ng elevator, bigla siyang hinarang ni Tintin, ang isa sa mga junior crea­tives na kilalang pinakamabilis makasagap ng tsismis sa buong ahensiya.

“Ms. Rhea!” masiglang bati ni Tintin, may hawak na baso ng kape. “Pauwi ka na po? Sabay na ako sa ’yo”

Dumaan ang isang saglit na kaba sa dibdib ni Rhea dahil parehas sila ng condominium na tinitirahan at madalas silang sabay umuwi. Kailangan niyang mag-isip nang mabilis nang hindi nahahalata ang kanyang pagmamadali.

“Ah, Tintin. Pasensiya na,” pilit na ngumiti si Rhea, pina­pakalma ang kanyang boses. “May dadaanang personal na meeting pa kasi ako. Baka matagalan ka lang kung sa­sabay ka.”

“Ay, ganoon po ba? Sayang,” sumimangot nang bahagya si Tintin, ngunit pinalitaw ng kanyang mapanuring mga mata ang kuryosidad. “Sige po, Ms. Rhea. Una na ako. Ingat po!”

Nakahinga nang maluwag si Rhea nang sumara ang pinto ng ele­vator. Mabilis siyang lumabas sa side exit ng lobby at tinahak ang makipot na eskinita patungo sa likod ng katabing gusali. Doon, sa ilalim ng malamlam na ilaw ng poste, nakita niya si Kael na nakasandal sa motor nito, hawak ang pamilyar na extra helmet.

Ngunit bago pa man tuluyang makalapit si Rhea, biglang bumukas ang pinto ng convenience store na may ilang metro lang ang layo sa kanila. Lumabas doon ang isang grupo ng account managers mula sa kabilang departamento. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with