^

Probinsiya

Estudyante nagbantang pasasabugin iskul, tiklo

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Estudyante nagbantang pasasabugin iskul, tiklo
Alas-9:30 ng umaga kahapon ng balutin ng takot ang Amadeo National High School, matapos makuha ang isang liham na naglalaman ng pagbabanta sa nasabing eskwelahan. 
Philstar.com / File photo

CAVITE, Philippines — Inaresto at pansamantalang nasa kustodya ng Municipal Social Welfare and Developmemt Office (MSWDO) ang isang menor-de-edad na estudyante nasa likod diumano ng bomb threat sa kanilang eskwelahan sa Brgy. Poblacion 1, bayan ng Amadeo, dito, kahapon.

Alas-9:30 ng umaga kahapon ng balutin ng takot ang Amadeo National High School, matapos makuha ang isang liham na naglalaman ng pagbabanta sa nasabing eskwelahan. 

Base sa ulat, napulot ng isang estudyante sa eskwelahan na si alyas “Nico”, ang isang sulat na nagsasaad ng “Patayin ang lahat ng kaklase sa loob ng room at pasabugin ang school”.

Agad umano itong ibinigay ni Nico sa kaniyang guro na agad namang ini-report sa kanilang Principal at itinawag sa pulisya.

Ayon sa nakapulot ng sulat, sa loob umano ng school campus nito napulot ang sulat at sa imbestigasyon ng pulisya, isang estudyante rin dito ang gumawa nito na kinilala sa alyas “Rick”.

Agad nagsagawa ng bomb detection at panelling operations ang Cavite Provincial Explosive Ordinance and Canine Unit (PECU) sa buong pasilidad  ng paaralan upang matiyak kung may nakatanim na mga pampasabog.

Sa kabila nito, walang nakita bomba at ligtas namang nailikas ang mga estudyante at mga staff ng paaralan sa ginawang paghahalughog.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with