^

True Confessions

Apoy sa Balsa (21)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PARA kay Rhea, ang mamahaling steak sa harap niya ay lasang karton.

Nasa loob sila ng isang sikat at dimly lit na fine-dining­ restaurant. Tumutugtog ang malambing na jazz sa background, at nasa kabilang dulo ng mesa si Marco, masiglang nagkukuwento tungkol sa kanyang stock portfolio at recent trip sa Europe para sa isang advertising conference. Sa paningin ng iba, perpektong date ito. Pero para kay Rhea, isa itong kulungan.

Kanina pa niya pasimpleng sinusulyapan ang kanyang phone na nakataob sa mesa. Walang notification. Walang men­sahe.

“Is everything okay, Rhea?” pansin ni Marco, itinigil ang paghiwa sa kanyang pagkain.

“Kanina ka pa lutang. May work emergency ba?”

Pinilit ni Rhea na ngu­miti. “Wala, medyo pagod lang.”

Ibinaba ni Marco ang kaniyang tinidor. Tiningnan niya si Rhea nang may banayad at seryosong pagnanasa, sabay abot sa kamay ng dalaga na nakapatong sa mesa.

“Sayang at nagkalayo tayo after college, no? Simula nung nagkita tayo sa TVC shoot… bigla akong napaisip kung ano sana ang nangyari kung hindi tayo nawalan ng connection.”

Dahan-dahan, pero may diin, na bi­nawi ni Rhea ang kanyang kamay. Na­wala ang kanyang pekeng ngiti. Sa wakas, naha­nap niya ang tapang na ibaba ang kanyang corporate mask.

“Marco, I really value our friendship, at malaking bagay sa agency na nakuha namin ang account niyo,” malumanay ngunit napakatatag na sabi ni Rhea.

“Pero hanggang doon lang ’yon. Sana naiintindihan mo.”

Saglit na natigilan si Marco. Umayos ito ng upo, at kahit may bahagyang sugat sa pride, tumango ito bilang isang propesyonal. “Loud and clear, Rhea. No pressure.”

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with