Wemby binato ng itlog ng isang Knicks fan

NEW YORK — Naging brutal ang gabi para kay Victor Wembanyama ng San Antonio Spurs matapos ang kanilang 106-107 kabiguan sa Knicks sa Game Four noong Huwebes.
Sa isang video na ibinahagi sa online ay nakitang binato ng itlog ang Spurs superstar sa kanyang pagpasok sa hotel at napapagitnaan ng security personnel.
Ilang segundo matapos batuhin ng itlog ay hinarap ni Wembanyama ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng hotel entrance.
Ilang fans din ang sumugod sa hotel na malapit sa Madison Square Garden para buskahin at asarin ang 7-foot-4 na si Wembanyama.
Sa pagdiriwang ng mga fans ng New York team ay sinabi ng New York Police Department na 56 ang kanilang inaresto dahil sa panggugulo.
Samantala, nangako si Wembanyama na babalikan nila ang Knicks sa pamamahala ng Spurs sa krusyal na Game Five bukas.
“I think it’s going to go one of two ways: a bad one and a good one. The bad one would be giving up,” ani Wembanyama. “The good one would be getting stronger through this, getting more together. I know this is what we’re going to do.”
Sinayang ng San Antonio ang itinayong 29-point lead sa third period kung saan nakabalik ang New York sa fourth quarter para agawin ang panalo tampok ang game-winning tip-in ni OG Anunoby mula sa mintis na three-point attempt ni Jalen Brunson.
- Latest





















