Sandara, pinagdarasal ang mga taga-Mindanao

Nakisimpatiya si Sandara Park sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
Sabi nito, “My heart is with everyone affected by the earthquake in Mindanao” Sinundan ng “Mindanao holds a special place in my heart, and I still remember the love and warmth I received there. I’m praying for everyone’s safety, strength, and recovery.”
Nagpasalamat ang netizens kay Sandara dahil kahit daw hindi na siya nakatira sa Pilipinas at bumibisita na lang, mahal pa rin nito ang bansa kung saan, matagal silang nanirahan ng kanyang pamilya.
Sa bansa rin nagsimula ang career niya, mahal siya ng mga Pinoy hanggang ngayon.
And speaking of Sandara, ni-launch nito ang sarili niyang label na Arandas na kung susuriin ay kabaligtaran ng kanyang pangalan na Sandara. Naka-line up na ang pagre-release niya ng kanya at kasunod nito ang fancon at Asia tour na siguradong kasama ang Pilipinas.
Romnick, apektado sa gulo sa Senado
May sunud-sunod na tweet si Romnick Sarmenta patungkol sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lalo na sa Senado.
“When you are a government figure with a high position with responsibilities to the Constitution and the nation, and you choose not to come in for work, and instead rant on social media...
“You are undeserving of any post. A moron. And a joke, #senateflix.”
Sinundan ng “Tayo pa ginagawang dahilan ng hindi pag-alis sa puwesto. Di po kami naglagay sa inyo dyan. Nagdrama kayo para makuha mga puwesto. Tigilan nyo kami.”
Mas matapang ang bagong magkasunod na tweet ni Romnick.
“Para sa mga nagsasabing may kinakampihan ako... ala.
“Ala kayo nung sinabi ko ang sinusuportahan ko. Hindi sa mga pulitiko. Oo, di ako maka VP. Pero di rin ako makapresidente ninyo. Makabayan ako.”
Sample naman ng mga nagalit kay Romnick ang pagtawag sa kanya na laos na. May tumawag pa sa kanya na “Moron laos aso” at “Most hated? Minority lang kayo. Hindi lang kami unhinged at maingay.” Kaya siguro may tweet si Romnick na hindi siya maka-VP at hindi rin maka-Marcos.
Dennis, ayaw tantanan ang mga anak
May kasunod na post si Dennis Padilla pagkatapos ng post niya patungkol sa anak na si Claudia at ang petition nito na palitan ang apelyido at hindi na gamitin ang apelyido ni Dennis.
This time, nag-post si Dennis ng photo nila ng mga anak na sina Julia at Claudia Barretto noong mga bata pa ang mga anak. Ang overlay text ni Dennis sa post, “Miss You... Julia and Claudia Baldivia... With or without the Family name.. Same love same hope.”
May post din ang aktor sa comment box ng kanyang Instagram at sabi, “If my sadness will bring joy to you my children... My heart is full... Same love Same hope.”
Mas malulungkot nito si Dennis dahil karamihan sa comment, siya ang sinisisi kung bakit lumalayo ang loob ng mga anak sa kanya. Dapat daw tigilan na niya ang pagpo-post dahil ang mga anak niya ang naba-bash.
Nagpapaawa lang daw siya sa kanyang mga post at may mga below the belt pang comment gaya ng “Paawa effect.” “Narc, please consult the doctor, “ Buti na lang nakapagdeisisyon na mga anak mo.” “Parang eng eng,” at ang masakit na comment na “Buti nga sayo,” “Narc spotted,” at “Hilig magpa-victim.”
Hanggang may netizen na ang nakiusap ng “Please be kind. Kung di kayo makakatulong... shut up na lang po. Di natin alam pinagdadaanan nila” at “kullt mo rin kasi Dens. Yaan mo na kasi sila. Magulang ka. Wag ka mag emote bigay mo gusto nila. Sa huli parusahan din mga yan sa pagtrato ng ganyan sau.”
- Latest





















