Mag-asawang senior kinatay ng anak!

MANILA, Philippines — MIstulang sinapian ng masamang espiritu ang isang 46-anyos na lalaki na may kondisyon sa pag-iisip matapos nitong pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang kaniyang mga magulang na senior citizen sa Brgy. Gemumuan Agahon, Passi City, Iloilo nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Dolores Espina, 82-anyos, at Oscar Espina, 84-anyos, kapwa magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Ang suspect ay kinilala naman sa alyas na “Miller,” na umano’y maraming beses ng dumanas ng psychological na problema dahil sa kawalan ng tulog at kabiguang uminom ng maintenance medication nito.
Sa ulat ni Passi City Police Chief P/Lt. Col. Herman Magbanua, ang krimen ay nangyari noong Lunes ng gabi sa tahanan ng pamilya Espina.
Nabatid na ang suspect ay sumasailalim sa medical na ebalwasyon sa Western Visayas Medical Center kung saan madalas ding magwala dulot ng psychiatric nitong kondisyon sa kanilang lugar.
Sinasabing sinumpong umano ang suspect ng grumagrabeng mental illness kung saan ay hindi ito nakakainom ng kaniyang gamot na humantong sa malagim na insidente.
Bigla na lamang na dinaluhong ng saksak ng suspect ang kaniyang mga magulang na kapwa nasawi sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
- Latest

























