2027 Palarong Pambansa magiging bongga- Mayor Joy
Big city athletes overall champion uli
PROSPERIDAD, Agusan del Sur, Philippines — Nakapanood ng bakbakan ng mga batang atleta si Quezon City Mayor Joy Belmonte bago magtapos ang 66th Palarong Pambansa.
Binisita rin ni Mayor Joy ang Media Center noong Sabado ng gabi at namangha ito sa ganda at lawak ng lugar ng pinagta-trabahuhan ng mga reporters, sportswriters at ibang nagco-cover ng event.
Pinuri ng Mayor ng Quezon City ang matagumpay na pagdaraos ng nasabing event sa Agusan na nagtapos kahapon.
“Ang galing, congratulations this is realy big achievements,” nakangiting pahayag ni Mayor Joy na kasamang bumisita sa Media Center si Agusan del Sur Vice Governor Patricia Anne Plaza.
Kaya naman asahang mas pabobonggahin ni Mayor Joy ang 67th Palarong Pambansa sa susunod na taon kung saan ang Quezon City ang magiging punong abala.
Samantala, patuloy ang pamamayagpag ng National Capital Region (NCR) sa nabanggit na event na inorganisa ng Department of Education (DepEd) at sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick “Pato” Gregorio.
Nakalikom ang NCR ng 91 gold, 70 silver at 71 bronze medals sapat upang hawakan pa rin ang overall champion, nasa pangalawang puwesto ang Region IV-A (CALABARZON) na kumalawit ng 55 na ginto, 50 na pilak at 60 na tanso.
Nakopo naman ng Region XI (Davao Region) ang third place (33 ginto, 32 pilak, 34 tanso).
- Latest




















