^

True Confessions

Ang Kapitbahay (119)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG aminin ni Margie na hindi na siya makakahiwalay kay Ram dahil mahal na mahal niya ito, gusto na niyang sabihin ang nakitang pakikipagmabutihan ni Brenda rito. Sasabihin niyang pinupuntahan ni Ram si Brenda sa bahay at halos dalawang oras na nananatili rito. Subalit pinigilan ni Vince ang sarili. Ano ang ebidensiya niya? Ano ang pruweba niya na may nagaganap kina Brenda at Ram? Baka isipin ni Margie na sinisiraan lamang niya si Ram.

Walang nagawa si Vince. Ang tanging nasambit na lamang niya sa sarili ay “kawawang Renan”.

Naisip din naman niya: kung i-text kaya niya si Renan sa Saudi para ipaalam ang nangyayari sa pamilya nito? Nasa kanya ang cell number ni Renan. Gagamit siya ng ibang CP para hindi siya makilala. Gusto niyang maipabatid kay Renan na may hindi magandang nangyayari sa asawa at anak niya. Sasabihin niya na may kalaguyo si Margie—dating nobyo nito noong high school. Ididetalye niya na pumupunta ang lalaki sa kanilang bahay. Ang masaklap, pati ang anak nilang si Brenda ay “pinakikialaman” ng lalaki.

Nag-isip si Vince kung tama ang gagawin. Tama, sabi ng isip niya. Iti-text niya si Renan. Dapat malaman nito ang lahat.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with