^

True Confessions

Ang Kapitbahay (117)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAILAN ba ang ba­kasyon ni Renan?’’ tanong ni Vince.

“Matagal pa. Kaaalis lang niya ‘di ba?”

“Puwede naman siyang­ umuwi nang mas maaga ‘di ba? Sabi niya sa akin, puwede siyang umuwi after six months. Siya nga lang daw ang bibili ng plane ticket.”

“Sinabi niya iyon?”

“Oo. Hindi mo alam?”

“Hindi. Naku ang mahal ng tiket sa ero­plano. Sayang lang kung uuwi siya after six months. Ipa­dala na lang niya sa amin ang perang pambili ng tiket.”

“Ayaw mong umuwi si Renan?”

“A e gusto. Kaya lang e nakapanghihinayang naman­ na gagastos siya nang malaki tapos sandali rin lang at babalik na uli sa Saudi. ‘Di ba praktikal na hintayin na lang niya ang isang taon at saka siya umuwi—libre pa ang pamasahe.”

“Sabagay.”

“At isa pa, kaaalis lang nga niya. Mas maganda kung nagkakasabikan ‘di ba?”

Napatangu-tango si Vince.

Hanggang hindi na siya nakatiis. Pinrangka na niya si Margie. Tinapangan na niya ang pagtatanong.

“Hindi na ba kayo nagkikita ni Ram?”

Namutla si Margie. Hindi agad nakasagot. Nautal nang magsalita.

“Ha? A e kuwan…”

(Itutuloy)

VINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with