^

True Confessions

Ang Kapitbahay (106)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL nang nakaalis ang lalaki ay hindi pa rin umaalis sa may  bintana si Vince.

Si Ram kaya ang lalaki?

Kung si Ram iyon, hindi pa rin nakikipaghiwalay si Margie. Patuloy pa rin ang pakikipag­relasyon niya sa dating boyfriend. Nagtatagpo pa rin sila at sa mismong bahay pa nagaganap ang kataksilan.

Dalawang oras at kalahati silang nagniig sa bahay. Hindi tinupad ni Margie ang pangako na hindi na ito makikipagrelasyon sa dating boyfriend. Talagang hindi kayang iwasan si Ram.

Pero naisip din naman ni Vince, baka nakiki­paghiwalay na si Margie at si Ram naman ang ayaw.

May mga ganyang kaso na umaayaw na ang babae pero ayaw naman ng lalaki. May pagkakataon pang tinatakot ng lalaki ang babae na ipagkakalat ang mga malalaswang pictures nila kapag nakipaghiwalay. Pero kung ayaw na talaga ni Margie, makagagawa naman siya ng paraan para maiwasan si Ram.

At kung talagang ayaw na ni Margie, bakit sa bahay pa niya mismo nagaganap ang kataksilan?

Dalawang oras at kalahati sila sa loob ng bahay. Mahabang oras ang kanilang nilaan para magsalo sa bawal na relasyon. Nagpakasawa ang dalawa sa pagtikim ng bawal na prutas.

Naisip din naman ni Vince si Renan. Ano naman kaya ang ginagawa ni Renan sa Saudi? Tinupad kaya nito ang pangako na hindi na makikipagrelasyon sa mga biyuda o matrona na naghahanap ng panandaliang ligaya?

Baka naman patuloy pa rin ito sa dating gawain. Katwiran ni Renan, nasisiyahan na siya sa pakikipagrelasyon sa mga matrona ay kumi­kita pa siya.

Hindi na niya kailangang ibahay ang matrona sapagkat sa bahay na mismo nito siya tumitira.

Baka parehas lang si Renan at Margie na hindi tumupad sa pangako. Nakasanayan na nilang tumikim ng bawal. (Itutuloy)

VINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with