^

True Confessions

Ang Kapitbahay (101)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MAYA-MAYA, natahimik si Renan. Nang tingnan ni Vince, natutulog na pala. Lasing na. Naisip ni Vince, mabuti ngang matulog na ito kaysa­ sa magkuwento pa ng mga ginagawa sa Saudi. Baka magtalo lamang silang mag-asawa.

Tamang-tama na luma­pit si Margie.

“O bakit ta­himik na ‘yan?” tanong ni Margie.

“Plakda na! Daming na­inom!” sabi ni Vince.

“E ba’t ikaw hindi nalasing?”

“Iba’t iba ang mga lalaki – ako matibay sa inuman—si Renan hindi.”

“Sabagay. Pero, ganyan talaga ‘yan, bigla na lang natutulog kapag nalasing!”

“Mabuti naman ‘yun kaysa maingay kapag nalasing. Hindi katulad ng iba na naghahamon ng away kapag nalalasing. ‘Yung iba naghuhuramentado pa.”

Umismid si Margie.

“May ikinuwento siya tungkol sa pambababae niya ano, Vince? Huwag mo siyang pagtakpan.”

Pinanindigan­ ni Vince ang unang­ sinabi kay Margie. Hindi niya binisto si Renan sa mga ginagawa nito sa Saudi.

“Wala siyang ikinuwento, Margie. Good boy ang asawa mo.”

“Good boy? Ibig mong sabihin mali ang mga nakarating­ sa akin na may binabahay ang lalaking ito.:”

“Oo. Sinisiraan lang si Renan—huwag kang basta maniniwala sa mga sumbong.”

Natigilan si Margie.

“Pero maraming nagpatunay na may binabahay ang asawa ko.”

“Hindi totoo ‘yun.”

“Anong ikinuwento ng asawa ko sa’yo?”

“’Yung kanyang mga ginagawa roon. Para hindi siya mahomsik, sumasali siya sa mga tournament—chess at ping pong.”

“Talaga?”

“Oo. Good boy nga si Renan.” (Itutuloy)

RENAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with