^

True Confessions

Ang Kapitbahay (98)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

LASING na si Renan at parang sinusiang laruan na nagkuwento nang mga karanasan niya sa Saudi. Hindi raw siya nagbabahay ng babae roon at siya pa nga ang ibinabahay dahil ang mga nakakare­lasyon niya ay mga biyuda at matandang dalaga na naghahanap ng aliw. Nagkakapera siya sa mga ito.

“Mayroon akong nakare­lasyong biyudah, hik, ang galing­ sa kamah, Vince. Sukoh akoh sa galing ng biyudah na iyon, hik,” sabi ni Renan na naniningkit na ang mga mata dahil sa kalasingan.

“Paano mo nakilala si Biyuda, Renan?”

“Sah isang birthday party hik. Nagkatitigan lang kamih, tapos nagkamabutihan na, hik. Dalawang taon na raw siyang biyuda. Head nurse daw siya sa malaking government hospital, hik! Meron daw siyang­ dalawang anak pero mga tapos na sa pag-aaral. Sa QC daw siya nakatira.”

“Anong nangyari pagkatapos? Nagkaibigan na kayo?”

“Oo. Iglap lang. Sinabi niya sa akin kung saan siya nakatira—sa isang villa raw sa Siteen St. daw. Pinunta­han ko kinabukasan.”

“Anong nangyari?”

“May nangyari agad sa amin, hik.”

“Ibang klase ka Renan —matinik sa babae.”

“Grabeh si Biyudah, Vince—magdamag kaming­ nagmahalan. Sukoh akoh.

“Hindi kinaya ng powers mo?”

“Kinayah naman peroh sagad na sagad, hik!”

“Nasaid ba ang laman ng tubo?”

“Oo hik! Pigang-pigah!”

Habang nagkukuwento si Renan, biglang lumapit si Margie. (Itutuloy)

NEIGHBOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with