^

True Confessions

Ang Kapitbahay (91)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TATALIKOD na sana si Vince para ipagpatuloy ang pagdidilig ng mga halaman nang lumabas mula sa bahay si Margie.

Nagsalita si Renan.

“Vince, ito nga pala si Misis.”

“A, magkakilala na kami ni Margie, Renan.”

“A mabuti naman at magkakilala na kayo.”

“Madalas kasi akong nagdidilig at nagwawalis dito kaya nagkakausap kami.”

Biglang sumabad si Margie sa usapan.

“Nabanggit ko kay Vince na OFW ka at mahilig uminom.”

Nagtawa si Renan.

“Binisto mo na pala ako, ha-ha-ha!”

“Oo. Sabi ko kay Vince tiyak na yayayain kang umi­nom ng mister ko pagdating.”

“Tama nga. Bukas mag-iinuman kami ni Vince at kailangan, ipagluto mo kami ng pulutan.”

“Sige. Ano bang pulutan ang gusto n’yo?”

“Sisig at bopis,” sagot ni Renan.

“Aprub!”

“O paano Vince? Tuloy na tuloy na bukas ang toma natin.”

“Sige.”

“Mga alas otso ng umaga, umpisa na tayo. Para makarami, ha-ha-ha!

“Sige, Renan.”

“Marami tayong pagkukuwentuhan, ha-ha-ha!”

Napatingin si Margie kay Renan at saka sumul­yap kay Vince.

Parang nahulaan ni Vince ang iniisip ni Margie.

(Itutuloy)

MARGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with