^

True Confessions

Ang Kapitbahay (85)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

 “HINDI ka natatakot na baka isang araw na magkasama kayo ni Ram ay maaktuhan kayo ng mister mo?” tanong ni Vince.

“Ba’t ako matatakot? Kung siya nga na unang nangaliwa e hindi natakot, ako pa?”

“Paano kung isang araw ay biglang dumating­ ang mister mo at nahuli kayo mismo sa bahay n’yo—magkatabi kayo sa kama ni Ram at nagpapakaligaya?”

“Imposible yun! Ang layo yata ng Saudi!”

“Hindi mo masasabi ang maaring mangyari, Mar­gie. Mayroon nga akong napanood sa TV na binaril ang asawa at kalaguyo nito sa motel. Caught in the act. Umuwi nang lihim si Mister mula Saudi at sinu­baybayan si Misis. Sinun­dan sa motel at dun nang­yari ang malagim na trahedya. Patay ang dalawa. Kusang sumuko sa mga pulis ang mister. Hindi raw nagsisisi sa pagpatay sa asawa at lalaki nito.”

Napaismid si Margie.

“Depende yan sa sitwasyon. Siguro mabait yung lalaki at yung misis niya ang unang gumawa ng ‘milagro’. Sa kaso ko, yung mister ko ang unang nambabae—gumanti lang ako.”

“E paano nga kung mahuli kayo sa akto? Ikakatwiran mo bang gumanti ka lang kaya ka nanlalaki?”

“Ah ewan. Basta gumanti lang ako sa asawang taksil,” sabi ni Margie.

“Kailan ba magbaba­kas­yon ang mister mo?”

“Hindi sinasabi.”

“Baka sosorpresahin ka?”

(Itutuloy)

VINCE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with