Ang Kapitbahay (74)
NAPANGITI nang lihim si Vince nang maalala ang pagpapakita sa kanya ni Margie ng mga “malalaking papaya” nito. Lalaki siya at baka hindi makapagpigil ay pitasin ang iniaalok ni Margie. Baka “naghahanap” si Margie dahil ang asawa ay nasa Saudi. Oo nga. Nauuhaw siguro si Margie kaya sadyang ipinakita ang mga “papaya” kanina.
Ilang beses napabuntunghininga si Vince. Kung papatulan niya ang pagpapakita ng motibo ni Margie, baka mapasubo siya. May asawa si Margie at malaking kasalanan na angkinin ang asawa ng iba. Dapat iwasan niya si Margie para hindi siya mahulog sa kasalanan. Hindi siya dapat makipagmabutihan kay Margie at baka ito ang magdala sa kanya sa kapahamakan.
Naalala niya ang isang napanood na balita sa TV na isang OFW ang napatay ang asawa at kalaguyo nito sa motel. Umuwi umano ang OFW para hulihin sa akto ang nagtataksil na asawa. Sinundan sa motel ang asawa at kalaguyo. May dalang baril ang OFW. Huling-huli na nagsi-sex ang dalawa. Pinagbabaril ang mga ito. Patay pareho. Hindi nagsisi ang OFW sa nagawa.
Napailing-iling si Vince. Ayaw niyang mangyari sa kanya ang ganun. Iiwasan niya si Margie hangga’t maaga. Mahirap masabit sa babaing may-asawa
(Itutuloy)
- Latest






















