^

True Confessions

Ang Kapitbahay (64)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KUMUHA ng tasa si Vince at nilagyan ng ginisang corned beef na may patatas. Nanonood si Marge habang nilalagyan ng corned beef ang tasa.

“Ang bango, Vince. Sa amoy pa lang masarap na ang luto mo.”

Iniabot ni Vince ang tasang may corned beef kay Marge.

“Salamat Vince. Hayaan mo at kapag may niluto akong ulam, dadalhan kita.”

“Sinabi mo ‘yan ha?”

“Oo. Kumakain ka ba ng pinakbet?”

“Oo naman—sarap nun!”

“E diningdeng?”

“Mas lalong masarap ‘yun!”

“Bukas magluluto ako ng diningdeng.”

“Masarap sa diningdeng may pritong bangus.”

“Oo may pritong bangus na kasama.”

“Mas masarap ka sigurong magluto, Marge.”

“Medyo lang—natuto ako sa nanay ko. Pamasid-masid lang sa kanya tapos ako na ang nagluluto. Hanggang sa masanay na ako.”

“E di mahusay ka ngang magluto—pamasid-masid ka lang at natuto ka na.”

Pinakikiramdaman ni Vince kung aalis na si Marge. Nagugutom na kasi siya. Gusto na niyang kumain.

Pero wala pa yatang balak umalis si Marge. Pamasid-masid ito sa kabuuan ng kitchen. Parang may inaalala. Ano pa kaya ang gusto nito at ayaw umalis?

(Itutuloy)

LASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with