^

True Confessions

Ang Kapitbahay (62)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKA naman nasaktan ka Vince dahil hindi kayo nagkatuluyan ng dati mong siyota at iyon ang dahilan kaya wala ka pang karelasyon hanggang ngayon?” sabi ni Margie.

“Hindi. Nagkataon lang na talagang ayaw ko pang makipagrelasyon at isa pa, gusto ko e secure na secure ang buhay kapag nag-asawa.”

“Talagang yun ang target mo?”

Tumango si Vince.

“Suwerte ng babaing mapapangasawa mo, Vince,’’ sabi ni Margie at ngumiti nang napakatamis.

“Sa panahon ngayon dapat nakahanda sa pag-aa­sawa. Kung hindi mapaghahandaan, kawawa pati mga anak dahil maghihiwalay lang. Di ba napag-usapan na natin ito dati?”

“Oo nga. Kaya maraming single mother at single father ngayon—sa paghihiwalay lang kasi nauuwi ang lahat” sabi ni Margie.

Maya-maya tinawag si Margie ng anak.

“Excuse Vince. Papasok nga pala ang anak ko sa school. Sandali lang at bibigyan ko ng pera.”

“Sige, Margie.”

Pumasok si Margie sa bahay.

Ipinasya naman ni Vince na umuwi na rin. Maghahanda pa siya ng pagkain para sa tanghalian.

Mabilis siyang pumasok sa bahay. Nagsimula siyang magluto. Nagsaing muna siya. Saka nagluto ng ginisang corned beef at patatas.

Eksaktong natapos sa pagluluto nang may kumatok sa gate.

Nang tingnan niya kung sino, si Margie! (Itutuloy)

MARGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with