Ang Kapitbahay (50)
SINILIP ni Vince sa bintana kung sino ang kanyang bagong kapitbahay. Dalawang babae ang nakita niyang nagbubukas ng pinto. Sa tingin ni Vince ay mag-ina ang dalawa. Nasa kuwarenta ang edad ng isa at mga 18 ang kasama. Hindi mapigurahan ni Vince ang dalawa dahil nakatalikod. Pero ang mas matanda ay sexy ang pangangatawan, naka-shorts ng puti at tshirt na hapit sa katawan. Maikli ang buhok.
Ang pinakabata ay naka-shorts din at t-shirt. Maputi. Hanggang balikat ang buhok. Sa tipo ay estudyante pa ito.
Nang mabuksan ang pinto ay pumasok ang dalawa. Kasunod nila ay ang mga tauhan ng lipat-bahay na buhat-buhat ang malaking kama. Sunod na ipinasok ang ref, dining table, mga silya, flat screen TV, oven, washing machine at sopa.
Inabot ng kalahating oras bago naibaba lahat ang mga gamit.
Maya-maya, umalis na ang truck ng lipat bahay. Hindi alam ni Vince kung meron pang hahakutin.
Maya-maya pa, nakita niyang lumabas ng bahay ang mas may edad na babae. Nilapitan ang mga tanim sa bakuran. Naglakad sa paligid ng bahay.
Nang tumigil ang babae, napagmasdan ni Vince ang itsura—may itsura naman pala. Sexy nga. Walang puson. May kalakihan ang mga “papaya” na halata sa hapit na t-shirt.
Nasaan kaya ang mister? Bakit dalawa lang silang lumipat?
(Itutuloy)
- Latest



















