Ang Kaptbahay (41)
NABAGBAG ang kalooban ni Vince habang ikinukuwento ni Teresa ang pagkakasundo nila ng asawang si John. Pagkaraan nang maraming taon nang paghihiwalay, nagkasundo sila at hindi niya akalain na sa bahay pa kung saan itinira ang babae nito.
“Tanong sa akin ni John, kung mapapatawad ko pa ba raw siya sa kabila nang marami niyang pagkukulang sa aming mag-ina. Sagot ko naman ay “oo”. Alam mo napahagugol siya ng iyak sa harap ko. At saka yumakap sa akin. Hinalikan ako sa labi, sa leeg at sa batok. At alam mo ba, Vince, may nangyari sa amin sa pagkakataong iyon. Siguro’y dahil na rin sa labis na katuwaan na nangyari sa amin kaya hindi na napigilan ang lahat. At inaamin ko rin naman na ‘sabik’ din ako. Isang masarap na pagniniig ang nangyari sa amin. Hindi na ako mahihiya sa pagkukuwento sa iyo Vince. Talagang napakasaya ko ng mga sandaling iyon—walang kasingsaya—mas masaya pa noong bagong kasal kami.”
Napangiti si Vince. Ang tagpo ng pagniniig ng dalawa ay nasaksihan niya at parang nakadama siya ng pagkapahiya sa sarili.
“Natutuwa ako sa nangyari sa inyo, Teresa. Alam mo ba, hindi ako mapalagay nang hindi ka lumalabas mula sa bahay. Kung anu-ano ang iniisip ko—baka sinaktan ka ni John dahil pinuntahan mo ang inuupahang bahay. Iyon pala, nagkasundo na kayo at nabuo na ang pamilya.”
“Oo, Vince. At ikaw ang tumulong para mabuo ang aming pamilya.”
(Itutuloy)
- Latest





















