Ang Kapitbhay (36)
SA pagkakasilip ni Vince, maligayang-maligaya si Teresa sa nangyayari sa kanila ng asawang si John. Ang kaligayahan ni Teresa ay namalas ni Vince habang nasa ibabaw ng asawa—isang hindi matatawarang kaligayahan na matagal-tagal ding ipinagkait ni John. Nahumaling si John kay Marie na kung tutuusin ay hindi naman kagandahan. Wala siya sa kalingkingan ni Teresa na slim na slim ang katawan. Walang bilbil. Flat ng flat ang tiyan. Magaganda rin at tayung-tayo ang mga “papaya” ni Teresa. Hindi niya maintindihan kung ano ang nakita ni John kay Marie at ipinagpalit ang magandang si Teresa. Hindi kaya ginamitan ni Marie ng “gayuma” si John? Posible.
Muling sumilip si Vince sa awang ng pinto at nakita niyang tapos na ang “ritwal” ng dalawa. Magkatabi sa sopa ang mag-asawa at magkayakap. Punumpuno ng pagmamahalan ang mga ito. Kitang-kita sa kanilang ngiti ang naganap na pagtatalik.
Ipinasya ni Vince na tapusin na ang panonood sa mag-asawa. Mabilis siyang lumabas sa bakuran ng bahay. Pumasok siya sa kanyang bahay at nag-abang ng mga bagong mangyayari. Pero ang tiyak niya, na maganda na ang susunod na kabanata kina Teresa at John.
Makalipas ang isang oras, nakita ni Vince ang paglabas ng mag-asawa sa bahay. Magkahawak-kamay. Punumpuno ng pagmamahalan. Nagkaayos na sila. Nalutas na ang problema. (Itutuloy)
- Latest

















