Ang Kapitbahay (27)
APAT na beer na ang nainom ni John. Si Vince, dalawa lang at hindi na niya iyon dadagdagan.
Naging madaldal na si John. Parang sinusiang laruan na nagkuwento nang nagkuwento ng mga sekreto sa buhay. Wala nang itinatago.
Hinayaan ni Vince si John na magsiwalat ng buhay nito.
“Si Marie, hindi ko asawa yun, hik. Kabit ko lang, hik,” sabi ni John.
“Hindi siya original?”
“Hindi hik!”
“Paano nangyari, John? Sabi mo nung lumipat kayo, mag-asawa kayo.”
“Hindi hik! Kabit ko lang si Marie. Dito kami lumipat para maitago sa misis ko, hik!”
“Nasusundan ba kayo?”
“Muntik na hik!”
“Anong muntik na?”
“Muntik mahuli, hik! Mabuti naitago ko, hik!”
“May anak kayo ng misis mo?”
“Meron, hik!”
“Nakikita mo siya—yung anak mo?”
“Hindi hik!”
“Matagal mo nang di nakikita?”
“Oo, hik!”
(Itutuloy)
- Latest






















