Ang Kapitbahay (16)
MAKALIPAS ang dalawang araw, habang nagwawalis si Vince sa bakuran, muli niyang nakita ang babae na nasa harapan ng inuupahang bahay nina John at Marie. Pasilip-silip ang babae sa bahay na tila inaalam kung may tao roon. Naisip ni Vince na baka importante ang sadya ng babae dahil pangalawang beses nang nagpupunta rito. Ano kaya ang kailangan kina John at Marie ng babae?
Hindi na hinintay ni Vince na lapitan siya ng babae, siya na ang kusang bumati sa babae.
“Mam wala pa ring tao riyan sa bahay,’’ sabi ni Vince.
Nagulat ang babae sa biglang pagsasalita ni Vince.
Lumapit kay Vince.
“Mula po ba nang magtungo ako rito kamakalawa e wala pang nagpupunta sa bahay?”
“Sa palagay ko, wala pa Mam.”
“Kailan kaya darating?”
Napangiti lang si Vince. Ganito rin ang naitanong ng babae nang huling magtungo rito.
“Sorry sa tanong ko Sir. Hindi ako dapat nagtanong ng ganun.”
“Okey lang Mam,”
“Pero tatapangan ko na ang hiya ko Sir. Gusto ko lang pong malaman ang name ng nakatira.”
“E..”
“John po ba?” (Itutuloy)
- Latest

















