^

True Confessions

Bubot na Bayabas (173)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISA-ISANG pinulot ni Guava ang mga pinitas na manibalang na bayabas. Inilagay sa isang plastic tray. Halos mapuno ang tray.

“Halika na Apol. Bumaba ka na riyan. Kainin natin itong mga bayabas.”

“Oo Guava, bababa na ako.”

“Mag-ingat ka sa pag­baba. Baka madulas ka. Delikado pag nadulas dahil malutong na ang buto kapag nagkakaedad.”

“Mag-iingat ako. Tama na ba ang mga napitas ko o kukuha pa ako?”

“Tama na ito.”

“Sige.”

Bumaba na Apol.

Pumasok naman sa bahay si Guava at kinuha ang iodized salt.

Pagbalik niya sa bakuran ay nakababa na si Apol.

“Ano yan?” tanong ni Apol.

“Asin. Masarap isawsaw ang manibalang na bayabas sa asin.”

“Ah oo. Kainin na natin.”

“Teka at huhugasan ko sa gripo ang mga bayabas.”

Tinungo ni Guava ang kalapit na gripo at hinugasan ang mga bayabas.

Pagkatapos ay sinimulan nilang kainin mga iyon habang masayang nagkukuwentuhan. (Itutuloy)
 

GUAVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with