Bubot na Bayabas (160)
NANINIWALA si Apol na may kaugnayan ang kambal nila ni Guava sa mga nangyayaring pagdami ng bunga ng mga puno sa bakuran. Ang pagdami ng mga bunga ay parang simbolo ng pag-welcome sa kambal na sina Doro at Thea. Tila nga ang pangalan ng kambal ay may madyik para dumami ang mga bungangkahoy.
Ang kambal na kaya ang sinasabi ni Tandang Santo na magdudulot sa kanila ni Guava ng suwerte.
Hindi masabi ng matanda ang suwerte na darating kaya kung anu-ano ang naisip nilang mag-asawa. Inisip nilang tatama sila ng milyong piso sa lottery.
Pero paano sila tatama e hindi naman sila tumataya.
Talagang wala silang maisip ni Guava na darating na suwerte sa kanila.
Hanggang sa isilang ang kambal na sina Doro at Thea. Nagkaroon ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari gaya nga ng pagbunga ng mga puno sa bakuran.
Kaya napakagandang tanawin ng kanilang bakuran na hitik na hitik sa bunga ang bayabas, lansones, mangga, rambutan at kasoy.
Maski ang mga dumadaan ay humahanga sa mga namumungang puno.
ISANG umaga, may tumawag mula sa gate. Boses lalaki.
Nang tingnan ni Apol, si Kit! Kaibigan niya. OFW si Kit.
Nagmamadaling tinungo ni Apol ang gate. Binuksan.
“Kumusta Apol?”
“Mabuti Kit. Kailan ka dumating?”
“Kahapon.”
Pinapasok ni Apol si Kit.
(Itutuloy)
(160)

- Latest