Bubot na Bayabas (155)
HINDI makapaniwala sina Apol at Guava nang malaman ang resulta ng ultrasound test. Kambal ang ipinagbubuntis ni Guava—lalaki at babae.
Hindi maipaliwanag ang nadamang kasiyahan ng dalawa.
Pero nag-alala rin si Apol kay Guava—baka mahirapan ito sa panganganak.
Tinanong niya ang mabait na doktora.
“Hindi po ba mahihirapan si Guava, Doktora?”
“Palagay ko hindi. Wala akong nakikitang mahihirapan si Guava. Kaya nararapat ang regular check-up habang nagbubuntis. Mainam na namo-monitor ang baby sa sinapupunan, lalo pa nga kung kambal ang pinagbubuntis.”
“Salamat, Doktora. Babalik po kami para sa check-up.”
“Sige Apol and congratulations sa inyong dalawa.”
“Thanks Doktora.”
MAKALIPAS pa ang ilang buwan.
Isang madaling araw, hindi makatulog si Guava.
Hanggang sa may gumuhit na masakit sa tiyan niya.
Ginising niya si Apol,
“Apol, manganganak na yata ako!”
(Itutuloy)
- Latest





















