^

True Confessions

Bubot na Bayaba (141)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

 “SANA tama ang kutob natin Guava na hindi na magpapakita ang dalagita,’’ sabi ni Apol.

“Malakas ang paniwala ko Apol. Di ba sabi ni Tandang Santo, kusang mawawala ang mga kababalaghan na nararanasan natin kapag nagpakasal tayo—e hindi pa nga tayo kasal nararamdaman ko na ang paglayo ng dalagita.”

“E ang babae kaya na nagbigay sa iyo ng tsinelas, mawawala na rin kaya? Hindi na rin kaya magpapakita sa panaginip?”

“Malamang ay hindi na dahil di ba ang sabi ni Tandang Santo, ang babaing lumilitaw sa aking panaginip at ang dalagita ay iisa. Nagpaalam na ang dalagita at tiyak na wala na rin ang babae sa panaginip.”

Nakahinga nang maluwag si Apol.

KINABUKASAN nang magkita sina Apol at Guava, isa na namang hiwaga ang nalaman nila tungkol sa dalagita.

Hindi makapaniwala si Apol sa sinabi ni Guava.

“Di ba kinunan ko ng picture ang dalagita kahapon?

“Oo. Patingin nga ng picture.”

“Wala siya, Apol!”

“Anong wala?”

(Itutuloy)

APOL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with