^

True Confessions

Bubot na Bayabas (134)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

GULAT na gulat si Apol sa mga sinabi ni Manang tungkol sa dalagita na nakita umano nito hindi pa natatagalan.

“Hindi mo siya natanong Manang?”

“Hindi ko na nga na­gawa dahil nabigla ako. Ni hindi ko nga siya nakunan ng picture dahil ang cell phone ko ay nasa sala. Pero napagmasdan ko ang mukha niya at talagang kamukhang-kamukha ni Guava.”

“At ang sabi mo Manang ay wala siyang sapin sa paa?”

“Oo. Naglalakad siya na walang suot na sapatos o tsinelas kaya. Hindi nga ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Hanggang ngayon nga, parang kiniki­la­butan pa ako.”

“Gaano mo po katagal siyang napag­masdan, Manang?”

“Sandali lang pero napagtuunan ko ang maganda niyang mukha. Parang kambal sila ni Guava. Napakaganda talaga!”

“Habang palayo po ay napagmasdan mo Manang?”

“Oo. Nagbabay pa siya pero mabilis lang.”

“Ano kaya ang ibig sa­bihin nun?”

“Baka yun na ang huling pakita niya?”

Nag-isip si Apol.

Baka nga!

Baka huling pagpapa­kita sa kanila. Tapos na ang misteryo?

(Itutuloy)

APOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with