Bubot na Bayabas (129)
“TEKA nga pala Apol, paano mo naman nakilala si Guava? Kasi nagtataka ako dahil nung nakaraang mag-usap tayo, wala ka namang nabanggit tungkol sa kanya,’’ sabi ng ate ni Apol.
“Di ba may naikuwento ako sa iyo na mga babaing nag-rent sa room ng apartment? Apat na babae sila. Isa roon si Guava.”
“Hindi ko matandaan. So, isa si Guava sa mga nagre-rent sa kuwarto?”
“Oo.”
“Niligawan mo agad-agad?”
“May ikinuwento ako sa iyo nun na babaing nasalubong ko sa Ayala Avenue. Hindi ko akalain na isa pala siya sa mangungupahan sa room. Hindi ako makapaniwala nang magkita kami.”
“Naguguluhan ako ah—masyadong dramatic pala ang pagkikilala n’yo ni Guava.”
“Hindi lang dramatic, Ate—may kababalaghan pa.”
“Anong kababalaghan?”
“Saka ko na lang ikukuwento dahil masyadong mahaba. Basta, magkasundung-magkasundo kami ni Guava kaya ipinasya na naming magpakasal. Hindi na namin patatagalin ang aming nasimulan at magpapakasal na kami.”
“Naintriga ako sa sinabi mong kababalaghan ang pagkikilala n’yo ni Guava. Pagtawag ko uli, ikuwento mo sa akin ha?”
“O di ba gusto mong makausap si Guava?”
“Oo.”
“Kung ganun, siya ang kausapin mo.”
“Sige, bukas mag-uusap kami.”
KINABUKASAN, dinalaw ni Apol si Guava.
“Gusto kang makausap ng ate ko na nasa Canada, Guava. Tatawagan niya ako ngayon.”
“Gusto ko rin siyang makausap, Apol.”
(Itutuloy)
- Latest
















