^

True Confessions

Bubot na Bayabas (122)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MAKALIPAS ang dalawang oras ay nasa Nagcarlan na sina Apol. Umaambon. Makulimlim ang panahon.

Dinaanan nila ang underground cemetery at ang munisipyo ng Nagcarlan.

Makaraan pa ang limang minuto, nasa harapan na sila nang malaking bahay ni Tandang Santo. Patuloy ang ambon.

Kumatok si Apol sa mataas na gate.

Binuksan ng isang may edad na babae.

“Manang may ikukunsulta kami kay Tandang Santo. Nariyan ba siya?”

“Narito siya. Tuloy kayo,” sabi ng babae at binuksan ang gate.

“Salamat po,’’ sabi ni Apol. Pumasok sila.

“Tumuloy na kayo sa tanggapan ni Tandang Santo.”

Tinungo nila ang silid na nagsisilbing tanggapan at “gamutan” ng matanda.

Kumatok si Apol.

Si Tandang Santo ang nagbukas.

“Magandang umaga po,’’ sabi ni Apol.

“Sabi ko na at babalik kayo,” sabi ni Tandang Santo. “Pasok kayo.”

Pumasok sina Apol.

(Itutuloy)

APOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with