Bubot na Bayabas (120)
“SANA nga may kayamanan sa bakuran mo, Apol para masaya tayo,’’ sabi ni Guava.
“Pero kung wala mang kayamanan sa bakuran ko, okey lang dahil mayroon na akong nag-iisang kayamanan—na higit pa sa ginto at diyamante,” sabi ni Apol.
“Wow! Ano ang kayamanan mong ‘yun?”
“Ikaw, Guava. Higit ka pa sa kayamanan. Ikaw ang nag-iisa kong yaman.”
“Salamat Apol. Ganyan din ang sasabihin ko sa’yo. Okey na wala akong kayamanan sapagkat ikaw lang ay sapat na sa akin.”
Pinisil ni Apol ang palad ni Guava.
“Salamat Guava.”
Ginantihan ni Guava ng pisil sa palad ang sinabi ni Apol.
“Pero kung may treasure sa bakuran mo, mas masaya di ba?”
“Oo naman.”
“Pagdalaw natin kay Tandang Santo, itanong natin sa kanya kung paano tayo susuwertihin,” sabi ni Guava.
“Sige. Sa Linggo punta uli tayo kay Tandang Santo,” sabi ni Apol.
LINGGO ng umaga, nagtungo uli sila sa Nagcarlan. Kasama nina Guava at Apol si Manang.
(Itutuloy)
- Latest





















