Bubot na Bayabas (115)
“SABAGAY mabilis ang pakikipagkita natin kay Tandang Santo kaya hindi natin naisip ang mga itatanong sa kanya,” sabi ni Apol.
“Ngayon ko lang naisip ang mga itatanong sa kanya Apol.”
“Ano halimbawa ang itatanong mo?”
“Noong 13-anyos ako—bago ako niregaluhan ng tsinelas ng misteryosang babae, naligaw ako pauwi sa aming bahay. Tanghaling tapat noon. Nagtataka ako sapagkat napakalapit na ng aming bahay ay kung bakit naligaw ako.”
“Anong ginawa mo?”
“Lakad ako nang lakad. Pero dun din ako humahantong. Para bang paikut-ikot lang ako. Ang nakapagtataka, wala akong mapagtanungan. Para bang ako lang ang nasa kalsada.”
“Kalsada pero walang tao?”
“Oo.”
“Anong nangyari pagkatapos?”
“Naupo ako at sumandal sa pader. Pagod na pagod ako. Nakatulog ako.”
“Pagkatapos?”
“Alam mo ang sinandalan kong pader?”
“Ano?”
“Pader ng bahay namin!”
(Itutuloy)
a matinding pag-ulan dulot ng pananalasa ng super typhoon Uwan, pinalakas ang pagpapakawala ng tubig sa limang dam sa Luzon upang maiwasan ang pag-apaw nito.
- Latest


















